Tula bilang 1:
Wait Muna
Minsan akala mo
Lahat dapat may dahilan
May kabuluhan
At hindi kawalan
Minsan akala mo
Madaling lang intindihin
Ayaw ng mag-isip
Kung panahon ang gugugulin
Paano kung komplikado?
Paano kung dehado?
Kaya pa rin bang sabihin...
Sagot kita, areglado!
Okay sige, game!
Mahal Kita, tayo na?
Bakit, natahimik ka...
Kala ko ba...areglado?
Aatras ba o tutugon
Kailangan ba, ngayon na?
Paano kung 'di sigurado
Pwede bang, wait muna?
No comments:
Post a Comment